Makrong Kasanayan
- Ano nga ba ang Makrong Kasanayan?
-Ang epektibong pagpapahayag ng kaisipan, saloobin, naisin, at damdamin ay isang mahalagang proseso sa pakikipagtalastasan.
-Ang pangunahing kasangkapan upang maisakatuparan ang matagumpay na pakikipagtalastasan ay paggamit ng wika. Dito nakasalalay ang tagumpay ng anumang propesyon sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
Nilalayon ng blog/artikulo na ito:
1. Maipaliwanag ang dalawa sa apat na makrong-kasanayan: ang pakikinig, pagsasalita.
2. malinang ang kakayahang pangkomunikatibo sa pagtuturo ng wika, at;
3. mailahad kung paano magagamit ang dalawa sa apat na makrong-kasanayan sa kolaboratibong pagtuturo ng Filipinolohiya.
Mayroong apat makrong kasanayan, ito ay ang Pakikining, Pagsasalita, Pagsusulat at Pagbabasa. Pero tayo ay mag fofokus muna sa dalawa sa apat na makrong kasanayan.
Iyon ay ang Pakikinig at ang Pagsasalita.I. PAKIKINIG
- Isa itong proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa naririnig. Ito ay mula sa tunog o salita na narinig, sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na dinadala
sa utak (brain) up ang bigyan ng pagpapakahulugan at pagsusuri (analyze) kung
ano ang naririning. Ang utak ang siyang nagbibigay ng interpretasyon at
pag-unawa at doon nagkakaroon ng kahulugan ang naririnig.-
"Sa madaling salita, ito ay malayang pagkuha ng imformasyon mula sa tagasalita gamit ang isa sa limang senses ng isang tao, ito ay ang sense of hearing."
- KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG:
1. Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon.
2. Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan.
3. Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa.
- Mga Salik na Nakaiimpluwensya sa Pakikinig
1. pakikinig 6. Kultura
2. Oras/Panahon 7. Konsepto sa sarili
3. Edad
4. Tsanel
5. Lugar/kapligiran
- Mga Uri ng Tagapakinig
a. Eager Beaver
b. Sleeper
c. Tiger
d. Bewildered
e. Frowner
f. Relaxed
g. Busy Bee
h. Two-eared Listener
Eager Beaver- Siya ang tagapakinig na ngiti ng ngiti o tangu nang tango habang nagsasalita sa kanyang harapan.Ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
Sleeper - Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid.Wala siyang tunay na intensyong makinig.
Tiger - Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parangtigre siyang susugod at mananagpang.
Bewildered - Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag- paimpres
Relaxed - Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo
Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
Two-Eared Listener- Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.
- Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig
- Alamin ang layunin sa pakikinig
- Magtuon ng konsentrasyon sa pinakikinggan
- Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
- Maging isang aktibong kalahok
- Iwasang magbigay ng maagang panghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita.
- Iwasan ang mga tugong emosyonal sa naririnig
- tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan.
II. PAGSASALITA
-Ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.
Mga pangangailangan sa mabisang pagsasalita:
Kaalaman
Kailangan alam mo ang paksa sa isang usapan.
Hindi mo malilinlang ang iyong tagapakinig.
Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika.
May sapat na kaalaman sa kultura, at maging sa kultura ng iyong kausap.
Kasanayan
Kailangan may sapat na kasanayan sa pag- iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon.
Tiwala sa sarili
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita:
Tinig-Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Kaakibat ng tinig ay ang himig.
Bigkas-Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita.
Tindig- Kailangang may tikas.
Kumpas-ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas kasabay ng kumpas.
Kilos- Ang mga mata, balikat, paa at ulo – ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita.
Talumpati- ay masining na pagpapahayag ng kaisipan,damdamin,kaalaman tungkol sa tiyak na paksa sa tiyak na tagapakinig. Ito ay magalang na pananalita sa harap ng publiko hinggil sa mahalaga at napapanahong paksa na nagbibigay kaalaman,nagtuturo,naghihikayat, nagpapagan apo nanlilibang.
Layunin ng Talumpati
Mapabatid ang mga mahalagang ideyatungkol sa paksa
Pukawain ang madla
Makapagpanatili ng antensyon,interes at makapagpakilala sa isang hinagap Makapagbigay ng kasiyahan sa madla
Makapagpaniwala sa mga tagapakinig sa mgapaksang binabangit
Anyo ng Talumpati
Impromtu
Maluwag o Daglian
Handa